• LAMPARA BOOKS YOUNG ADULT STORY WRITING TILT

    ANG LIHIM SA TORE NG SINAGTALA, LAMPARA BOOKS YOUNG ADULT STORY WRITING CONTEST WINNER

    Sa kauna-unahang Lampara Books Young Adult Story Writing Contest, itinanghal ang kuwento ni Stephen Norries A. Padilla na pinamagatang “Ang Lihim sa Tore ng Sinagtala” bilang Grand Prize.

    Si Padilla ay mula sa Makati City at nagtapos ng BA Journalism sa Unibersidad ng Pilipinas-Diliman.

    Ang kanyang akda ay ililimbag ng Lampara Publishing House, Inc. sa ilalim ng book imprint na Lampara Books.

    Napanalunan ni Padilla ang PHP 35,000.00 at sertipiko ng pagkapanalo. Bukod ito sa writer’s fee na makukuha niya sa oras na ilimbag ang kuwento.

    Para sa taon na ito, ang mga hurado ay mga award-winning na manunulat na sina Eugene Y. Evasco, Will P. Ortiz at Gabriela Lee. Ginanap ang pagpapasiya ng panalo sa opisina ng LPHI na dinaluhan ni Mr. Eugene Andan.

    Gaganapin ang awarding ceremony sa SMX Mall of Asia sa ika-17 ng Setyembre, sa kasalukuyang taon, kasabay ng 38th Manila International Book Fair.