• 2018 Lampara Children's Storytelling Competition

    PARA SA MGA BATANG KUWENTISTA! 
    Narito na muli sa ika-pito nitong taon ang BATANG LAMPARA, BATANG KUWENTISTA: 2018 Children's Storytelling Competition!

    Ito ay bukas para sa lahat ng estudyanteng Pilipino sa buong Pilipinas na nasa baitang 1 hanggang 7. Ang magagaling na batang magwawagi ay mananalo ng cash prizes, Lampara Book items, at tropeo!

    Register na! Sundin niyo lang ang sumusunod na instructions:

    1. Mag-email sa petastorytelling@gmail.com at humingi ng registration form. I-print iyon at sagutan.

    2. Maaari din kayong humingi ng registration form sa PETA Theater Center o sa Precious Pages Outlets.

    3. Pagkatapos sagutan ay ipasa ang registration form sa PETA Theater Center o sa mga Precious Pages Outlets kasama ang photocopy ng iyong ID at magbayad ng registration fee na P450.

    Napakadali lang, di ba? Kaya ano pa ang hinihintay niyo? Magregister na! Baka kayo na ang susunod na Batang Kuwentista ng Lampara.

    Para sa karagdagang impormasyon, magpadala ng email sa LAMPARA STORYTELLING SECRETARIAT sa petastorytelling@gmail.com o tumawag/magtext sa 725-6244 o 0956-790-6474.