LOLA-LOLA

price
PHP 84.75
Author(s)
Becky Bravo

LOLA-LOLA

Si Lola-Lola ay nanay ni Lola. Siya ay lola ni nanay. Tahimik lang si Lola-Lola
Hindi na siya nagsasalita. Nakaupo lang siya sa kanyang tumba-tumba sa tapat ng bintana.
Malayo ang tingin niya, pero hindi ko alam kung ano ang kanyang nakikita.
Dahan-dahan siya kung lumakad gamit ang kanyang tungkod. Hindi na siya makasabay sa bilis ng mga
bagay-bagay, kaya madalas ay naiiwan siya.
kawawa naman si Lola-Lola.
Basahin sa kuwentong ito kung ano ang maaaring gawin ng isang bata para makaagapay si Lola-Lola.
 

social media